ANG ALAY NINYONG KAALAMAN, GAMIT NAMIN SA PAG-UNLAD
NG BAYAN
“VALEDICTORY ADDRESS”
(Charles G. Lim)
High
school life…isang landas na tinahak natin sa loob ng apat na taon,ginugulan ng
oras at panahon,at nagbigay liwanang sa lahat ng ating mga tugon…Parang isang
napakagandang panaginip na tila bumalot sa ating buong katauhan…Dito natin
nakita ang mga tinuturing nating kaibigan, mga kaklase na lubos ang kakulitan,
at mga gurong walang sawang nagbibigay ng katalinuhan…Dito rin natin natutunang
maging responsable sa mga gawain,maging aktibo at mabuksan ang talento,
makipagsapalaran sa bawat pagsubok na ating pinagdaanan, at syempre, ang
magmahal …
Sino
nga ba ang makakalimot sa ating mga pinagsamahan?...sa mga tawa at halakhak?sa
ating walang-tigil na kadaldalan…?sa mga walang-sawang kwentuhan…?at sa mga
bagay na dito lang sa ARAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL natin naranasan…?---iyon ang
mga bagay na nagsilbing inspirasyon ko sa pagkamit ng susi na bumukas sa
pintuan tungo sa aking tagumpay…at dahil doon, naghanda ako ng isang tula at
ito ay aking handog sa lahat ng nagsilbing inspirasyon ko…
I
Sa aking pagtahak sa mundong ibabaw
Itong paaralan ay naging ‘sang saklaw
gabay at
liwanag na nagsilbing ilaw
at itong landas, ginunita ang tanglaw
II
Mga kamag-aral, aking nakilala
Nagkaroon ng kaibigang labis ang tuwa
Inspirasyon ko sa pag-abot ng tala
Hindi malilimot, samahang barkada
III
Mga alaalang may ngiti sa mukha
Walang kapantay kislap ng mga luha
Dito sa buhay ay umaagos pa nga
Lungkot at kasiyaha’y ‘di maipinta
IV
Sadyang mabilis ang mga pangyayari
At napakakulay nitong bahaghari
pinagsamahan natin, sa puso’y itatali
dito sa
isipan ay aking ikukubli
Minsan
tayong nangarap at nagsikap…kaya heto tayo ngayon, magmamartsa sa isang
seremonyang nagpapatunay ng ating tagumpay na dadalhin natin habang buhay…
Ngayon
ay ang araw ng pagtatapos, maghihiwaly na tayo ng landas. Iba’t-ibang tao na
ang ating makikilala at iba-ibang landas ang ating tatahakin. Darating ang mga
panibagong problema na susubukan nating lampasan. Ngunit kahit saan man tayo
dalhin ng tadhana…ito ang aking maipapangako sa inyo, HINDI KO KAYO
MAKAKALIMUTAN AT MAHAL KO KAYONG LAHAT!!
Kaya,mga
kapwa ko magsisipagtapos, ,maging bukas ang ating isipan para sa makabuluhang
pakikialam at pakikibaka sa malaking hamong ito. Magsikap tayo, magsipag pa
tayo sa pagtuklas ng bagong karunungan…sapagkat matindi ang hamon sa atin---na
tayo ay may mahalagang papel na dapat nating magampanan…ito ay ang pag-abot sa
ating mga pangarap.’Wag tayong mawawalan ng pag-asa dahil tayong lahat ay
biniyayaan ng katalinuhan upang magamit sa ating kinabukasan…
Sa lahat ng aking mga naging kaibigan …mga
ENGXTERXZ!maraming salamat sa inyong lahat…sa inyong suporta, sa lahat ng maga
alaala…at sa ating mga pinagsamahan,hindi ko kayo malilimutan kahit na
paghiwalayin pa tayo ng tadhana…kayo ang kumumpleto sa aking high school life…at
hindi ko pinagsisisihan na naging parte kayo ng aking buhay…kahit saan man tayo
magpunta ay mananatiling matatag ang ating samahan . Sana ay ‘wag niyong
malimutan ang aking kakulitan…
Sa
bumubuo ng “C.A.T family”—oras na para mamaalam tayo sa isa’t-isa…sana ay hindi
natin makalimutan ang lahat ng ating pinagsamahan … Sa bawat araw na kapiling
ko kayo, ako’y naging masaya at naging maganda ang pakikitungo natin sa bawat
isa…sa bawat pagmartsa natin ay natutunan ko ang mga bagay na ngayon ko lang
naranasan…maraming salamat sa mga alaala!Hindi ko makakalimutan ang lahat ng
ating pinagsamahan.
Sa
aking mga kaklase at kay Sir Ryan na bumubuo ng klase ng IV-Einstein, maraming
salamat sa inyo dahil kayo ang nagbukas kung sino ang tunay na ako,salamat sa
mga tulong na ibinigay niyo sa akin,sa mga pag-unawa at pakikisama ninyo …dito
sa batch na ito ay naramdaman ko ng lubusan ang inyong suporta sa akin…kayo ang
nagbigay-kaalaman sa akin upang makamit ko ang karangalan na ito, dito
nagsimula ang aking tagumpay…sa apat na sulok ng ating kwarto…”walang limutan!sana
ay hindi ninyo makalimutan ang ating mga pinagsamahan…at kahit na tayo ay
maghihiwalay na, kahit tayo ay magkakaroon na ng kanya-kanyang landas…sana ay
dalhin pa rin natin ang mga alaala…nawa’y magsilbi itong inspirasyon tungo sa
maganda nating kinabukasan ”
Sa mga gurong walang-sawang sumusuporta sa
akin…inihahatid ko po sa inyo ang aking pasasalamat dahil tinulungan niyo ako
sa pagtuklas ng aking mga talento at abilidad, nagbigay kayo ng mga pangaral na
nagsilbing inspirasyon ko sa pagkamit ng kinatatayuan ko ngayon. Naging
patnubay kayo hindi lang sa akin kung ‘di
pati na rin sa lahat ng magsisipagtapos ng BATCH 2012…hinding-hindi ko
po kayo makakalimutan dahil narito kayo sa isip ko,narito kayo sa puso ko at
narito kayo sa mga kamay ko sapagkat kasama kayo sa pag-abot sa aking mga
pangarap---hindi mawawala sa aking isipan ang mga aral na ibinigay niyo sa akin
dahil gagamitin ko ito sa pagtuklas ng bagong talino at ito ang magsisilbing
gabay at liwanag ko sa landas na aking tatahakin. Sa inyo pong lahat, “aalis na
po kami sa paaralang ito…magpapaalam na po kami sa inyo…masakit mang isipin na
kami ay lilisan na ngunit ito na ang nakaguhit sa ating mga palad…salamat po sa
apat na taong pamamalagi ninyo sa aming klase… ”
Sa
mga kapwa ko magsisipagtapos, ngayon ay mamamaalam na tayo sa ating mga
kaibigan, sa ating mga guro, at sa ating paaralan. Ngunit sana, kahit saan tayo
magpunta ay wag nating kakalimutan na minsan ay nag-aral tayo sa paaralang ANHS
at may mga guro at kaibigan tayong nakasama sa loob ng apat na taon at gumugol
ng mga alaala…at sana, kahit na umalis na tayo dito ay wag tayong mawawala.
At
higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking pamilya na walang-sawang sumuporta
sa akin, lalong-lalo na sa aking Inay, dahil hindi niya ako pinapabayaan. Alam
ko na wala na siyang higit pang maipamamana sa akin kung ‘di itong
edukasyon.Siya ang nagbigay sa lahat ng aking mga pangangailangan dito sa ating
paaralan.Walang-sawang nangaral at nagbigay payo sa akin upang makamit itong
aking tagumay…kung kaya’t itong aking karangalan ang regalo ko sa kanya,ito ang
magiging tanda ng kanyang ginugol na oras at panahon para ako’y maging edukado.
Taglay niya ang katangian ng isang mabuting ina sapagkat lahat ay kinaya niya
upang ako ay makapagtapos kaya naman hindi ko siya binigo dahil pinaghusayan ko
ang aking pag-aaral at narito ngayon. Bilib na bilib ako sa kanya dahil siya
ang nagsilbing ina at ama ko…ipinakita niya na hindi hadlang ang pagiging
“single mom” upang matustusan ang aking mga pangangailangan.Lahat ng oras niya
ay kanyang ibinuhos sa kanyang pagtatrabaho upang bigyan ako ng magandang
kinabukasan.At sa puntong ito, hindi ko ikinakahiya sa inyong lahat na siya ang
naging Mama ko…siya ay aking ipinagmamalaki dahil kahit mag-isa lang siya ay
napalaki niya ako ng maayos, hindi ko makakalimutan ang kanyang pag-aaruga sa
akin…IPINAGMAMALAKI ko na siya ang aking nanay na nagturo sa landas na
tatahakin ko… Kaya sa lahat ng “single
mom”---SALUDONG-SALUDO PO AKO SA
INYO!…at sa lahat ng mga magulang ng mga magsisipagtapos…binabati ko po kayo
sapagkat natapos niyo na ang ikalawang yugto ng pagiging magulang sa inyong mga
anak!...MABUHAY PO KAYONG LAHAT!!
At
bilang panghuli, sana ay ‘di niyo makalimutan na minsan ay may isang CHARLES
LIM na dumaan sa buhay ninyo…sana ay ‘di ninyo makalimutan ang CHARLES na
aktibo at responsableng estudyante…sana ay ‘di niyo makalimutan na may isang
CHARLES na ubod ng kakulitan at
kadaldalan, si CHARLES na sadyang enerhitiko at puro kalokohan,si CHARLES na
laging nagbibigay ng payo sa anumang problema niyo , si CHARLES na naging
kaibigan at kaklase niyo, si CHARLES na naging totoo sa inyo, naging kasama
niyo, nagpatawa sa inyo, at si CHARLES na ‘di sumusuko sa anumang daanang
pagsubok, …at sana, hindi ninyo makalimutan na minsan ay napatawa at
napahalakhak kayo ng inyong lingkod na makata na walang-sawang nagtutula sa
tuwing may programa…Nawa’y ang CHARLES na nagsasalita ngayon ay nag-iwan ng mga
alaalang hindi malilimutan …’Wag niyo sanang lilimutan ang mga panahong
magkakasama tayo…dahil ako, HINDI KO MAKAKALIMUTAN na naging parte kayo ng
buhay ko…
Ngayong
oras na ito ay nakamit na natin ang diplomang ilang taon din nating
pinagpaguran…Ngayong oras na ito ay nasuklian na ang dugo at pawis na ating
pinuhunan upang makarating sa ating kinalalagyan…at ngayong oras na ito ay nagbubunga
na ang itinanim nating karunungan sa ating isipan…
Sa
oras na ito, ang yugto natin bilang mga estudyante ng High School ay magsasara
na…at may bagong yugto naman tayong papasukan…mas mahirap…ngunit dapat ay mas
determinado tayo sa pagpasok sa yugtong iyon…Nagpapasalamat ako sa POONG
MAYKAPAL dahil binigyan niya ako ng pagkakataong makasama ko kayong lahat…BINABATI
KO KAYONG LAHAT SA INYONG TAGUMPAY!!
Nagwakas
na ang 197 araw na pagsasama natin sa taong ito…natapos na ang 1,773 oras ng
ating tawanan at kwentuhan…nagsara na ang 106,380 minuto ng ating pagsisikap at
paghihirap…at naglaho na ang 6,382,800 segundo na ating pinagpaguran kasama ang
ating mga kaklase at kaibigan…ang lahat ng ito ay mapapawi lamang sa isang araw
na pagpapaalam sa isa’t-isa…ngunit hindi ito nangangahulugan na mapuputol na
ang ating koneksyon sa bawat isa…sapagkat kahit mamaalam tayo ay mananatili
tayong magkaibigan at magkabarkada…
Ito na siguro ang pinakahihintay nating araw…ang
umakyat sa entablado at tanggapin ang katibayan ng ating pagsisikap…sa inyong
lahat…sana ay ipagpatuloy niyo pa ang magandang simulain!
“Ang
lahat ng ating pinagsamahan ay hindi mahihimlay,ang ating pagkakaibigan ay
panghabang-buhay…”—muli ,ako si Charles Lim na nagsasabing “PAALAM AT MARAMING
SALAMAT----HIGH SCHOOL LIFE!!”