Sunday, November 11, 2012


ANG ALAY NINYONG KAALAMAN, GAMIT NAMIN SA PAG-UNLAD NG BAYAN
“VALEDICTORY ADDRESS”
(Charles G. Lim)

High school life…isang landas na tinahak natin sa loob ng apat na taon,ginugulan ng oras at panahon,at nagbigay liwanang sa lahat ng ating mga tugon…Parang isang napakagandang panaginip na tila bumalot sa ating buong katauhan…Dito natin nakita ang mga tinuturing nating kaibigan, mga kaklase na lubos ang kakulitan, at mga gurong walang sawang nagbibigay ng katalinuhan…Dito rin natin natutunang maging responsable sa mga gawain,maging aktibo at mabuksan ang talento, makipagsapalaran sa bawat pagsubok na ating pinagdaanan, at syempre, ang magmahal …
Sino nga ba ang makakalimot sa ating mga pinagsamahan?...sa mga tawa at halakhak?sa ating walang-tigil na kadaldalan…?sa mga walang-sawang kwentuhan…?at sa mga bagay na dito lang sa ARAYAT NATIONAL HIGH SCHOOL natin naranasan…?---iyon ang mga bagay na nagsilbing inspirasyon ko sa pagkamit ng susi na bumukas sa pintuan tungo sa aking tagumpay…at dahil doon, naghanda ako ng isang tula at ito ay aking handog sa lahat ng nagsilbing inspirasyon ko…


                                 I
                              Sa aking pagtahak sa mundong ibabaw
Itong paaralan ay naging ‘sang saklaw
 gabay at liwanag na nagsilbing ilaw
at itong landas, ginunita ang tanglaw
II
Mga kamag-aral, aking nakilala
Nagkaroon ng kaibigang labis ang tuwa
Inspirasyon ko sa pag-abot ng tala
Hindi malilimot, samahang barkada
III
Mga alaalang may ngiti sa mukha
Walang kapantay kislap ng mga luha
Dito sa buhay ay umaagos pa nga
Lungkot at kasiyaha’y ‘di maipinta
IV
Sadyang mabilis ang mga pangyayari
At napakakulay nitong bahaghari
pinagsamahan natin, sa puso’y itatali
 dito sa isipan ay aking ikukubli






Minsan tayong nangarap at nagsikap…kaya heto tayo ngayon, magmamartsa sa isang seremonyang nagpapatunay ng ating tagumpay na dadalhin natin habang buhay…
Ngayon ay ang araw ng pagtatapos, maghihiwaly na tayo ng landas. Iba’t-ibang tao na ang ating makikilala at iba-ibang landas ang ating tatahakin. Darating ang mga panibagong problema na susubukan nating lampasan. Ngunit kahit saan man tayo dalhin ng tadhana…ito ang aking maipapangako sa inyo, HINDI KO KAYO MAKAKALIMUTAN AT MAHAL KO KAYONG LAHAT!!
Kaya,mga kapwa ko magsisipagtapos, ,maging bukas ang ating isipan para sa makabuluhang pakikialam at pakikibaka sa malaking hamong ito. Magsikap tayo, magsipag pa tayo sa pagtuklas ng bagong karunungan…sapagkat matindi ang hamon sa atin---na tayo ay may mahalagang papel na dapat nating magampanan…ito ay ang pag-abot sa ating mga pangarap.’Wag tayong mawawalan ng pag-asa dahil tayong lahat ay biniyayaan ng katalinuhan upang magamit sa ating kinabukasan…
 Sa lahat ng aking mga naging kaibigan …mga ENGXTERXZ!maraming salamat sa inyong lahat…sa inyong suporta, sa lahat ng maga alaala…at sa ating mga pinagsamahan,hindi ko kayo malilimutan kahit na paghiwalayin pa tayo ng tadhana…kayo ang kumumpleto sa aking high school life…at hindi ko pinagsisisihan na naging parte kayo ng aking buhay…kahit saan man tayo magpunta ay mananatiling matatag ang ating samahan . Sana ay ‘wag niyong malimutan ang aking kakulitan…
Sa bumubuo ng “C.A.T family”—oras na para mamaalam tayo sa isa’t-isa…sana ay hindi natin makalimutan ang lahat ng ating pinagsamahan … Sa bawat araw na kapiling ko kayo, ako’y naging masaya at naging maganda ang pakikitungo natin sa bawat isa…sa bawat pagmartsa natin ay natutunan ko ang mga bagay na ngayon ko lang naranasan…maraming salamat sa mga alaala!Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ating pinagsamahan.
Sa aking mga kaklase at kay Sir Ryan na bumubuo ng klase ng IV-Einstein, maraming salamat sa inyo dahil kayo ang nagbukas kung sino ang tunay na ako,salamat sa mga tulong na ibinigay niyo sa akin,sa mga pag-unawa at pakikisama ninyo …dito sa batch na ito ay naramdaman ko ng lubusan ang inyong suporta sa akin…kayo ang nagbigay-kaalaman sa akin upang makamit ko ang karangalan na ito, dito nagsimula ang aking tagumpay…sa apat na sulok ng ating kwarto…”walang limutan!sana ay hindi ninyo makalimutan ang ating mga pinagsamahan…at kahit na tayo ay maghihiwalay na, kahit tayo ay magkakaroon na ng kanya-kanyang landas…sana ay dalhin pa rin natin ang mga alaala…nawa’y magsilbi itong inspirasyon tungo sa maganda nating kinabukasan ”
Sa mga gurong walang-sawang sumusuporta sa akin…inihahatid ko po sa inyo ang aking pasasalamat dahil tinulungan niyo ako sa pagtuklas ng aking mga talento at abilidad, nagbigay kayo ng mga pangaral na nagsilbing inspirasyon ko sa pagkamit ng kinatatayuan ko ngayon. Naging patnubay kayo hindi lang sa akin kung ‘di  pati na rin sa lahat ng magsisipagtapos ng BATCH 2012…hinding-hindi ko po kayo makakalimutan dahil narito kayo sa isip ko,narito kayo sa puso ko at narito kayo sa mga kamay ko sapagkat kasama kayo sa pag-abot sa aking mga pangarap---hindi mawawala sa aking isipan ang mga aral na ibinigay niyo sa akin dahil gagamitin ko ito sa pagtuklas ng bagong talino at ito ang magsisilbing gabay at liwanag ko sa landas na aking tatahakin. Sa inyo pong lahat, “aalis na po kami sa paaralang ito…magpapaalam na po kami sa inyo…masakit mang isipin na kami ay lilisan na ngunit ito na ang nakaguhit sa ating mga palad…salamat po sa apat na taong pamamalagi ninyo sa aming klase… ”
Sa mga kapwa ko magsisipagtapos, ngayon ay mamamaalam na tayo sa ating mga kaibigan, sa ating mga guro, at sa ating paaralan. Ngunit sana, kahit saan tayo magpunta ay wag nating kakalimutan na minsan ay nag-aral tayo sa paaralang ANHS at may mga guro at kaibigan tayong nakasama sa loob ng apat na taon at gumugol ng mga alaala…at sana, kahit na umalis na tayo dito ay wag tayong mawawala.
At higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking pamilya na walang-sawang sumuporta sa akin, lalong-lalo na sa aking Inay, dahil hindi niya ako pinapabayaan. Alam ko na wala na siyang higit pang maipamamana sa akin kung ‘di itong edukasyon.Siya ang nagbigay sa lahat ng aking mga pangangailangan dito sa ating paaralan.Walang-sawang nangaral at nagbigay payo sa akin upang makamit itong aking tagumay…kung kaya’t itong aking karangalan ang regalo ko sa kanya,ito ang magiging tanda ng kanyang ginugol na oras at panahon para ako’y maging edukado. Taglay niya ang katangian ng isang mabuting ina sapagkat lahat ay kinaya niya upang ako ay makapagtapos kaya naman hindi ko siya binigo dahil pinaghusayan ko ang aking pag-aaral at narito ngayon. Bilib na bilib ako sa kanya dahil siya ang nagsilbing ina at ama ko…ipinakita niya na hindi hadlang ang pagiging “single mom” upang matustusan ang aking mga pangangailangan.Lahat ng oras niya ay kanyang ibinuhos sa kanyang pagtatrabaho upang bigyan ako ng magandang kinabukasan.At sa puntong ito, hindi ko ikinakahiya sa inyong lahat na siya ang naging Mama ko…siya ay aking ipinagmamalaki dahil kahit mag-isa lang siya ay napalaki niya ako ng maayos, hindi ko makakalimutan ang kanyang pag-aaruga sa akin…IPINAGMAMALAKI ko na siya ang aking nanay na nagturo sa landas na tatahakin ko…  Kaya sa lahat ng “single mom”---SALUDONG-SALUDO  PO AKO SA INYO!…at sa lahat ng mga magulang ng mga magsisipagtapos…binabati ko po kayo sapagkat natapos niyo na ang ikalawang yugto ng pagiging magulang sa inyong mga anak!...MABUHAY PO KAYONG LAHAT!!
At bilang panghuli, sana ay ‘di niyo makalimutan na minsan ay may isang CHARLES LIM na dumaan sa buhay ninyo…sana ay ‘di ninyo makalimutan ang CHARLES na aktibo at responsableng estudyante…sana ay ‘di niyo makalimutan na may isang CHARLES na ubod ng  kakulitan at kadaldalan, si CHARLES na sadyang enerhitiko at puro kalokohan,si CHARLES na laging nagbibigay ng payo sa anumang problema niyo , si CHARLES na naging kaibigan at kaklase niyo, si CHARLES na naging totoo sa inyo, naging kasama niyo, nagpatawa sa inyo, at si CHARLES na ‘di sumusuko sa anumang daanang pagsubok, …at sana, hindi ninyo makalimutan na minsan ay napatawa at napahalakhak kayo ng inyong lingkod na makata na walang-sawang nagtutula sa tuwing may programa…Nawa’y ang CHARLES na nagsasalita ngayon ay nag-iwan ng mga alaalang hindi malilimutan …’Wag niyo sanang lilimutan ang mga panahong magkakasama tayo…dahil ako, HINDI KO MAKAKALIMUTAN na naging parte kayo ng buhay ko…
Ngayong oras na ito ay nakamit na natin ang diplomang ilang taon din nating pinagpaguran…Ngayong oras na ito ay nasuklian na ang dugo at pawis na ating pinuhunan upang makarating sa ating kinalalagyan…at ngayong oras na ito ay nagbubunga na ang itinanim nating karunungan sa ating isipan…
Sa oras na ito, ang yugto natin bilang mga estudyante ng High School ay magsasara na…at may bagong yugto naman tayong papasukan…mas mahirap…ngunit dapat ay mas determinado tayo sa pagpasok sa yugtong iyon…Nagpapasalamat ako sa POONG MAYKAPAL dahil binigyan niya ako ng pagkakataong makasama ko kayong lahat…BINABATI KO KAYONG LAHAT SA INYONG TAGUMPAY!!

Nagwakas na ang 197 araw na pagsasama natin sa taong ito…natapos na ang 1,773 oras ng ating tawanan at kwentuhan…nagsara na ang 106,380 minuto ng ating pagsisikap at paghihirap…at naglaho na ang 6,382,800 segundo na ating pinagpaguran kasama ang ating mga kaklase at kaibigan…ang lahat ng ito ay mapapawi lamang sa isang araw na pagpapaalam sa isa’t-isa…ngunit hindi ito nangangahulugan na mapuputol na ang ating koneksyon sa bawat isa…sapagkat kahit mamaalam tayo ay mananatili tayong magkaibigan at magkabarkada…
 Ito na siguro ang pinakahihintay nating araw…ang umakyat sa entablado at tanggapin ang katibayan ng ating pagsisikap…sa inyong lahat…sana ay ipagpatuloy niyo pa ang magandang simulain!
“Ang lahat ng ating pinagsamahan ay hindi mahihimlay,ang ating pagkakaibigan ay panghabang-buhay…”—muli ,ako si Charles Lim na nagsasabing “PAALAM AT MARAMING SALAMAT----HIGH SCHOOL LIFE!!”

No comments:

Post a Comment